LAOAG CITY – Arestado ang isang lalaki sa isinagawang gun buy bust operation sa bayan ng San Nicolas.
Nakilala ito na si Nixon Tolentino alyas Padi, 41-anyos, pintor at residente sa Barangay 11, San Fernando sa nasabing bayan.
Nakumpiska ng mga otoridad ang dalawang piraso ng P1,000, isang itim na pouch, isang caliber 38 revolver, apat na piraso ng cartridge case para sa caliber 38, at 136 pesos.
Hinggil dito, sinabi ni Tolentino na inimbitahan siya ng PNP dahil may pipirmahan siya a dokumento matapos ang pagnanakaw umano ng hotdog at ice cream.
Ganupaman, iginiit nito na dinala siya ng mga pulis sa Barangay 1 at dito na siya pinosasan.
Dagdag nito na pupunta sana siya sa Municipal Hall para kunin ang voter’s ID para makuhanan siya ng dugo na kailangan ng kanyang kaibigan.
Pinabulaanan naman nito na sa kanya ang baril at bala, dahil wala aniya siyang nakasangkutang pangyayari na may kinalaman sa baril.