Nagpahayag ng pag-asa ang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na balang araw ang Quiapo Church ay magiging isang int’l shrine at kikilalanin ng Catholic community sa buong mundo.
Ayon kay David, may posibilidad na nag Philippine Shrein na ito ay magiging int’l shrine sa hinaharap dahil sa malaking bilang ng mga deboto ng Itim na Nazareno sa mundo.
Hindi rin aniya siya magtataka na sa loob ng ilang taon ay idedeklara na ito bilang int’l shrine .
Samantala, niya ang mga mananampalataya na makiisa sa panalangin at suportahan ang adhikaing ito.
Ang Quiapo Church ay opisyal na idineklara bilang isang pambansang dambana noong Enero 29.
Hindi bababa sa 70 obispo mula sa buong bansa, kabilang ang papal nuncio na si Archbishop Charles Brown, ang dumalo sa Misa na pinangunahan ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula.