Mainit na tinanggap sa kaniyang pagbisita sa Pilipinas si Kate Forbes, Pangulo ng International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies (IFRC).
Si Forbes ang pangalawang babae na humawak ng pinakamataas na posisyon sa IFRC, na nangangasiwa sa mga operasyon ng 191 branches sa buong mundo.
Limang buwan pagkatapos manalo sa halalan noong Disyembre 2023, pinili ni Forbes ang Pilipinas bilang unang bansang binisita niya sa Asya.
Sinabi ni PRC Chairman Richard J. Gordon na mahalaga ang pagbisita ni Ms. Forbes dahil binibigyang-diin nito ang patuloy na pagsisikap at tagumpay ng IFRC sa pagsuporta sa mga bansang madalas tamaan ng kalamidad tulad ng Pilipinas.
Sinabi ni PRC Secretary-General, Dr. Gwen Pang, na lubos na pinahahalagahan ng organisasyon ang pagbisita ni Ms. Forbes dahil ipinapakita nito ang makabuluhang epekto ng PRC sa pagsuporta sa pangmatagalang pagbawi at pagbuo ng resilience sa mga komunidad na madalas na apektado ng mga sakuna.