Kinumpirma ni Paul Gutierrez na tuluyan nang natapos ang kanyang panunungkulan bilang executive director ng Presidential Task Force on Media Security.
Sa isang pahayag, sinabi ni Gutierrez na ang kanyang pagbaba sa pwesto ay naging effective immediately.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang dating opisyal kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa pagtalaga sa kanya noong nakalipas na taon.
Ang pagtanggap niya noon sa naturang posisyon ay pagpapakita lamang ng kanyang commitment sa isang ligtas na media environment .
Ipinagmalaki rin ni Gutierrez na sa ilalim ng kanyang pamumuno, naresolba ng Presidential Task Force on Media Security ang limang violent attacks laban sa press sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ni PBBM.
Samantala, ang listahan ng mga suspect sa pagpatay ng mga journalist ay nakahanda nang isapubliko .