-- Advertisements --
image 663

Muling iginiit ng leader ng Socorro Bayanihan Services, Inc. na si Jayrence Quilario o mas kilala sa tawag na “Senior Agila” na hindi sila kulto kundi isang samahan lamang na nakasentro sa pagbabayanihan.

Ito rin ang binigyang diin ng lahat ng mga taga-suporta ng kanilang grupo laban sa mga akusasyon sa kanila.

Hindi rin anila totoo ang mga paratang na sangkot sila sa child abuse, panggagahasa sa mga bata at child labor.

Kung maaalala, inakusahan ang umanoy kulto na nangungulekta ng mga ayuda mula sa mga miyembro nito na bahagi ng 4ps.

Sila rin ay itinuturong nagbenenta ng ipinagbabawal na gamot.

Nagpapatuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng CHR at DSWD sa mga paratang laban sa umano’y kulto.