CENTRAL MINDANAO-Agad na namahagi ng tulong Sangguniang Panlalawigan ng Cotabato sa pamumuno ni Vice Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa mga binahang pamilya sa bayan ng Pikit, Cotabato.
Kabilang dito ang abot sa 300 pamilya mula sa Barangay paidu Pulangi na tumanggap ng sampung kilong bigas at mga malong mula sa Office of the Civil Defense 12.
Nanguna si dating Pikit Municipal Vice Mayor Don mangansakan at Barangay Kapitan Abdillah Mangansakan sa pamamahagi ng nabanggit na mga tulong.
Labis naman ang pasasalamat ng mga pamilya sa kanilang tinanggap na ayuda na ayon pa sa kanila ay tunay na kailangan ng bawat pamilya.
Naging mabilis rin daw ang aksyon ng bise gobernadora lalo na sa pamamahagi ng relief goods. Sinabi naman ni Mendoza na bilang isang opisyal ng lalawigan ay tungkulin niyang tulungan ang mga biktima ng kalamidad at tiyakin ang kaligtasan ng bawat Cotabateno.
Nanawagan din siya na magkapit-bisig ang bawat isa at sama-samang harapin ang mga darating pang mga pagsubok.