-- Advertisements --

Nagsalita na si Piolo Pascual sa pagkakasama nito sa ilang grupo na pinagbawalang makapunta sa Sagada at Banaue.

https://www.instagram.com/p/CCasb9xHU9c/

Sinabi ng actor na ang pagtungo niya sa nasabing lugar ay walang kinalaman sa gobyerno.

Hindi rin aniya nito nakausap ng personal si Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag nito na sinamahan niya si film director Joyce Bernal at kaibigang si Illac Diaz para tulungan sila na makakuha ng video footage bago ang pagsisimula ng State of the Nation Address ng Pangulo.

Nais nilang ipakita ang pagbabago ng kalikasan dahil sa coronavirus pandemic.

Paglilinaw nito na kumuha sila ng clearance para makapasok sa Sagada kung saan pinayagan sila ng alkalde doon.

Pagdating na lamang nila ay inimbitahan siya sa Sangguniang Bayan at sinabing hindi sila puwedeng manatili doon subalit inalok sila na matulog ng dahil sa maaaring pagod na sila sa biyahe.

Parehas din aniya ang nangyari sa Banaue dahil na rin sa aktibong kaso ng coronavirus sa lugar.

Pinayagan na lamang sila na makapasok sa Baguio City kung saan ang subject nila ay ang kalikasan at hindi ang mga tao.