Natagpuan na ng mga awtoridad ang Piper Cherokee plane sa kagubatan sa lalawigan ng Isabela limang araw matapos itong mawala noong Nob. 30.
Sinabi ng tagapagsalita ng Incident Management Team na si Joshua Hapinat, na nahanap ng Philippine Air Force Sokol helicopter ang Piper plane.
Gayunpaman, ang chopper ay hindi makalapit nang sapat upang matukoy ang kalagayan ng mga sakay ng nasabing sasakyang panghimpapawid.
Sinabi naman ng abogado na si Constante Foronda, commander ng incident management team, na sila ay malalim na nakatuon sa pagpaplano ng susunod na hakbang.
Dagdag dito, ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ay naghihintay din ng mga ulat mula sa field.
Una na rito, matatandaan na ang Piper PA-32-300 plane ay umalis ng Cauayan Airport noong 9:39 a.m. at inaasahang dadating sana sa Palanan Airport ng 10:23 a.m. noong Nob. 30.