Patuloy pa rin ang paghahanap sa nawawalang katawan ng piloto ng bumagsak na Japanese aircraft sa Pacific Ocean. Ito ay matapos matuklasan ang pira-pirasong parte ng Japanese F-35 stealth fighter na bigla na lamang nawala sa radar.
Ayon kay Defence Minister Takeshi Iwaya, narekober umano ang ilang parte ng nasabing eroplano habang isinasagawa ang search operations sa dagat.
Bandang 10:30 kagabi ng bigla na lamang daw nawala sa radar ang fighter jet na lumilipad ng 135km o 84 miles sa Silangang bahagi ng Misawa, Japan.
Dagdag pa ni Iwaya, nagawa pa umanong magpadala ng abort mission signal ng nawawalang piloto ngunit kalaunan ay naharapan na silang kontakin ito.
Wala namang nai-report na problema ang nasabing eroplano.
Sa ngayon, sinuspinde muna ng Japan ang pagpapalipad sa 12 natitirang F-35 fighter jets. Ito na ang ikalawang pagbagsak ng F-35 simula noong lumipad ito sa himpapawid.