-- Advertisements --

Naibenta sa auction sa halagang $1.067 milyon ang pirmadong relic card ni Los Angeles Dodgers satar Shohei Ohtani.

Ang makasaysayang 50/50 effort ay siyang unang Dodgers star na nakapagbenta ng mahigit $1-M sa auction.

Ito ang 1-of-1 numbered Ohtani card na makikita ang Major League Baseball logo mula sa pantalon na suot niya noong Septembre 2024.

Sa nasabing taon ay naitala niya ang ika-49,50 at 51st home runs ganun din ang pag-steal niya ng 50th at 51st bases laban sa Miami Marlins.

Magugunitang nabili rin sa auction ang Ohtani card sa halagang $533,140 para sa 2018 Bowman Chrome Rookie Autograph Orange Refractor rookie card sa Goldin Auctions noong Nobyembre.