Hindi pa rin natatapos ang pakikipaglaban ng mga kontra sa pagtatayo ng Kaliwa Dam.
Sinabi ni Save Sierra Madre Network Alliance executive director Conrad Vargas na kahit nagkaroon aniya ng pirmahan ng memorandum of agreement (MOA) ng Metropolitan Waterworks Sewerage System (MWSS) at ang mga Domagat communities sa Quezon province.
Sinabi ni Vargas na ang nasabing pirmahan ay kinokontra ng mga liders ng komunidad dahil pili lamang ang dumalo na pawang mga pabor sa pagtatayo ng P12-bilyon Kaliwa Dam project.
Nauna rito kinumpirma ni MWSS Administrator Leonor Cleofas na nagkaroon na sila ng MOA signing noon pang Enero 28.
Nakasaad din sa nasabing MOA na pagkakalooban ng MWSS ang komunidad ng P80 milyon bilang bayad-pinsala sa anumang maidudulot na pagkapinsala ng nasabing proyekto.
Ang 60-meter-high reservoir ng New Centennial Water Source-Kaliwa Dam Project ay masasakop ang 291 hektarya ng Kaliwa Watershed Forest Reserve na dumudugtong sa General Nakar sa Quezon at sa Tanay, Rizal.