MANILA – Naglunsad ng certificate training course para sa science communication ang Philippine Science High School (PSHS).
Layunin ng inisyatibong PISAYCOM na mahikayat ang mga kabataan na tumulong sa paghahatid ng mga impormasyong may kinalaman sa agham.
“To communicate science towards national consciousness and enhance participants’ ability to laymanize science content through multimedia,” ani Science Sec. Fortunato de la Pena.
“Pisay also hopes to equip more Filipino youth who will popularize the socio-economic impact of science to people through PISAYCOM.”
Aabot sa 5,000 participants, na pawang mga Grade 10 students ng Department of Education at PSHS, sa buong bansa ang nagpa-rehistro sa training.
Bukod sa mga training, may mga science communication competition din na nakapaloob sa PISAYCOM para mahasa ang kanilang mga natutunan.
REMOTE LEARNING
Samantala, inanunsyo rin ng Science chief na mananatili ang remote learning ng mga estudyante PSHS o Pisay hanggang Disyembre.
Ito ay para masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro laban sa COVID-19.
“The Philippine Science High School System will still use remote learning as mode of instructional delivery in its 16 campuses nationwide.”
Bukod sa banta ng virus, ilang magulang din daw ang hindi pumayag na ipasok sa dormitoryo ang kanilang mga anak.
“As the PSHS system strives to guarantee quality and modernity through frequent updates in its PSHS Knowledge Hub, the 16 Pisay campuses demonstrate its usefulness at a challenging time like the COVID-19 pandemic to offers full flexibility to approach content as preferred by students and to save time which usually translates into comfort and more satisfying learning experiences.”
Kamakailan nang mag-trending ang ilang estudyante na nagtapos sa PSHS matapos nilang makatanggap ng scholarship grants sa iba’t-ibang malalaking unibersidad sa ibang bansa.