-- Advertisements --

Hinamon ng prosecutions si Atty. Jessica Lucila “Gigi” Reyes’ na patunayan ang pahayag nito na pineke umano ang kaniyang pirma sa pitong endorsement letters.

May kinalaman sa hindi tamang paggamit umano ni dating senator at ngayoy presidential legal counsel Juan Ponce Enrile ng kaniyang Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Sa pagpapatuloy na pagbibigay ng testimonya ni Reyes sa Sandiganbayan 3rd Division ukol sa plunder case laban sa kaniya kasama sina Enrile at Janet Lim Napoles na mariing itinanggi nitong tumanggap siya ng pera mula kay Benhur Luy sa pakikipagtulungan ni Ruby Tuazon.

Sa ginawang cross-examine ni Prosecutor Jennifer Agustin-Se itinanggi ni Reyes na mayroon itong mga sulat na pinirmahan.
May mga affidavit na iprinesinta si Reyes na pineke umano ang kaniyang mga pirma.

Una ng itinanggi noong humarap si Reyes sa Sandiganbayan noong nakaraang linggo na mayroon itong pinirmahang sulat na nag-eendorso ng NGO bilang implementing agencies sa PDAF ni Enrile.

Si Reyes ay naging chief of staff ni Enrile mula 1995 hanggang 2001 at mula 2004 hanggang Enero 2013.