-- Advertisements --

Makalipas ang 4 na taon, inabswelto ng korte sa Caloocan ang 6 na jeepney drivers o tinatawag na PISTON 6 na inaresto noong 2020 dahil sa pagprotesta laban sa restriksiyon ng gobyerno sa kanilang kabuhayan noong kasagsagan ng lockdown bunsod ng COVID-19 pandemic.

Kinatigan ng Caloocan Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 83 ang demurrer o evidence na inihain ng Piston 6 na nagaabswelto sa kanila mula sa simple resistance and disobedience to authority dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.

Maalala na inaresto noong Huyo 2020 ang anim na jeepney drivers habang nagsasagawa ng mapayapang protesta sa Caloocan city.

Kabilang dito sina Severino Ramos, Arsenio Ymas, Wilson Ramilla, Ramon Paloma, Ruben Baylon at Elmer Cordero.

Iprinotesta ng mga tsuper noon ang tinawag nilang hindi patas na pagtrato ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga jeepney na pinatigil na pumasada sa kanilang dating mga ruta dahil sa safety at health concerns dulot ng pandemiya.