-- Advertisements --

Isasabay ng ilang transport group ang kanilang protesta sa selebrasyon ng Bonifacio Day bukas, November 30, 2024.

Magkakasa ng rally ang grupong Piston at Manibela, kasama ang ibang grupo sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.

Bago ito, manggaling sila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Quezon City para sa mas maagang protesta.

Layunin umano ng kanilang pagkilos ay tutulan ang franchise consolidation sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program.

Matatandaang ang Piston at Manibela ay mga pangunahing grupo na tumatangging sumali sa modernization program, kaakibat ng consolidation ng mga jeeney units at pagsali sa mga kooperatiba o korporasyon.