ROXAS CITY – Pag-uusapan pa ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) kung sasama ang grupo sa isang linggong tigil-pasada ng ilang transport group para ihayag ang kanilang pagtutol sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ng gobyerno.
Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay Mr. Joebert Carandang, presidente ng Hugpong Transport Piston-Capiz, sinabi nito natatalakayin ngayong araw kung sasama ang Isla ng Panay sa panawagan ng mga operators na ipostponed ang programa.
Sinabi nito, na sa pamamagitan ng tigil-pasada maramdaman sana ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang estrado ng mga jeepney drivers at mawalan ng hanapbuhay.
Iginiit ni Carandang, na hindi sila tutol sa modernization program kundi sa patakaran at proseso ng program kung saan hawak ng kooperatiba ang prangkisa sang isa ka operator kung magconsolidate ini sa modernization.
Dahil dito, malaki ang posibilidad na mabaon sa utang ang mga operatos dahil obligado sila na magbigay ng P30,000 – P35,000 sa kooperatiba kada buwan sa loob nga 7 taon.
Napag-alaman na mabibili sa halagang P2.8M ang isang modernized jeepney.
Pinunto din nito, na imbes suportahan ng gobyerno ang locally manufactured jeep at makatulong sa mga Pilipino, mas pinili pa nila na paboran ang pagkuha ng modernized jeep o bus sa ibang bansa.
Dagdag pa ni Carandang, pagkukunin na ang trasdisyunal jeepney, mawawala na ang imahe at kultura na pinagmamalaki ng Pilipinas.