-- Advertisements --
Kasado na ang gagawing malawakang transport strike sa Abril 29 at 30 ng grupong PISTON.
Sinabi ni PISTON secretary general Ruben Baylon na kahit na matapos na ang deadline ng consolidation sa Abril 30 ay patuloy sila papasada.
Nitong Martes ay nagtungo ang grupo sa Korte Suprema at nagsagawa ng kilos prosteta.
Iginiit ng grupo na ang consolidation program dapat ay boluntaryo at hindi ang gobyerno ang nagdidikta.
Umaasa rin ang nasabing grupo na maglabas ng Temporary Restraining Order ang Supreme Court para pigilan ang PUV modernization program.