-- Advertisements --
Kinondina ng transport group ang pagpapalabas ng show cause order ng Land Transportation Franchising ang Regulatory Board (LTFRB) sa mga jeepney dirvers na lumahok sa transport strike nitong Lunes.
Ayon kay Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (Piston) nationa president Mody Floranda na inilalabas lamang ng mga drivers na lumahok sa tigil pasada ang kanilang mga hinaing sa gobyerno.
Isa ng tinukoy ni Floranda ang mailng polisya sa pagkuha ng prankisa.
Mararapat aniya na pag-aralang mabuti ng LTFRB ang nasabing show cause order dahil kaya sila lumalahok sa mga tigil pasada ay para magprotektahan ang prankisa ganun din ang mga mananakay para maipagpatuloy nila ang pagsisilbi sa kanila.