-- Advertisements --

Naghain ng petisyon ang transport group na PISTON sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para payagan na mairehsitro ang mga unconsolidated na mga pampasaherong jeep.

Ayon sa grupo na ang mga hindi nakapagparehistro ay ginipit umano ng LTFRB para sumali sa Transport Modernization Program ng gobyerno.

Kinondina ng grupo ang ginagawa ng LTFRB dahil sa pinapaburan ang mga dayuhan na nakakuha ng kontrata sa modernized jeep.

Magugunitang nagsimula pa noong 2017 ang Public Transport Modernization Program na layon ay palitan ang mga traditional jeep ng mga Euro-4 compliant engine para mabawasan ang polusyon.

Layon din ng programa na matanggal ang mga sasakyan na hindi na nararapat na pumasada pa.