Nagsagawa ang grupo ng transportasyon na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) ng kilos-potesta ngayong araw sa harapan ng Korte Suprema sa lungsod ng Maynila.
Ito ay para ipanawagan sa korte na maglabas ng temporary restraining order laban sa Public utility vehicle modernization program.
Hiling ng grupo na katigan sila ng Korte Suprema na mawawalan ng hanapbuhay na siyang dahilan ng kanilang isinasagawang mga kilos-protesta mula pa noong mga nakalipas na taon sa gitna ng itinakdang deadline para sa consolidation ng prangkisa ng PUVs noong Disyembre 2023 na pinalawig pa hanggang sa Abril 30 ng kasalukuyang taon.
Makailang ulit na ngang idinaing ng grupong Piston kasama na ang Manibela sa kanilang mga rally na ilang mga operators ang nangangambang malulubog sa utang ang kanilang kooperatiba o korporasyon kapag pinalitan ang kanilang tradisyunal na sasakyan ng modernong units na nagkakahalaga ng average na P2.48 million bawat isang unit.