Plano ng grupo ng transportasyon na Piston na sumama sa 3 araw na tigil pasada na ikakasa ng Manibela sa susunod na linggo.
Ayon kay Piston national president Mody Floranda, maglulunsad sila ng malawak na transport strike hindi lamang sa NCR kundi sa buong bansa.
Aniya, makikipag-usap siya kay Manibela head Mar Valbuena para plantsahin ang kanilang susunod na plano matapos na manindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuloy ang pagpapatupad ng Public Transport Modernization Program sa kabila pa ng mga panawagan para suspendihin ito kabilang na ang inihaing Resolution ng 22 Senador.
Sinabi din ni Floranda na dapat pag-aralan ng Pangulo ang resolution ng Senado.
Iginiit din nito na ginagawa naman nila kasama ang ibang grupo na tutol sa consolidation ang kanilang parte para gawing moderno ang kanilang units.