-- Advertisements --

Tumapos si Cameron Johnson na may 24 points para banderahan ang Brooklyn sa 118-112 na panalo laban Detroit at ibagsak ang Pistons sa ika-27 sunod na pagkatalo.

Nagdagdag si Mikal Bridges ng 21 points habang may double-double performance naman si Nic Claxton na nakapagtala ng 11 points at 11 rebounds.

Kumamada si Cade Cunningham ng 41 points habang 23 points naman ang naambag ni Bojan Bogdanovic sa panig ng Detroit.

Huling nanalo ang Pistons noong Oktubre 28 laban sa Chicago Bulls.

Ang NBA record para sa pinakamahabang losing streak sa isang season ay naitala noong 2010-2011 ng Cleveland Cavaliers at noong 2013-2014 ng Philadelphia 76ers.

Sunod na makakalaban ng Pistons ay ang namamayagpag na sa kanilang hanay na Boston Celtics.