-- Advertisements --

Hindi kumbinsido ang pito sa sampung mga Pilipino sa aksyon ng gobyerno patungkol sa pagtaas ng mga bilihin o inflation.

Ayon sa isinagawang survey ng Pulse Asia, 73 percent ng mga Pilipino ang hindi aprubado sa pag-handle ng administrasyong Marcos sa nangyaring pagtaas ng inflation sa bansa. Siyam na porsyento lamang ang nagsabing aprubado sila sa aksyon ng gobyerno. 

Dahil dito, sumadsad sa negative 64 ang net approval rating on controlling inflation ni Pangulong Marcos. 

Tumaas ng 8.7 percent ang inflation sa bansa noong January 2023, ang pinakamataas sa loob ng 14 years. 

Nananatili ang inflation bilang most urgent issues ng mga Pilipino. Sinundan ito ng pagtaas ng sahod, trabaho, at pag-aksyon sa kahirapan. 

Sa kabila nito, nakatanggap naman ng 74 percent ang approval rating ng gobyerno sa pag-protekta nito sa mga OFW at 72 percent sa pag-aksyon sa mga kalamidad na nararanasan ng bansa.