Pitong bahay ang natupok ng apoy sa nangyaring sunog sa isang compound sa Mariveles Street sa Mandaluyong kagabi. Tumagal ng isang oras ang sunog bago idineklarang under control.
Ayon sa Mandaluyong Fire Departmenet, walang naiulat na nasawi sa insidente ngunit isang aso ang namatay matapos itong maiwan sa loob ng compound.
Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog habang anim na milyong piso ang tinatayang pinsala nito.
Ayon sa otoridad, mga lumang gusali na ang nakatayo sa compound na gawa sa mga light material kaya naman mabilis na kumalat ang apoy.
Ani ni Barangay Highway Hills Kagawad JJ Delos Santos, mabilis umano silang nakapag-responde at nakarating din kaagad ang fire truck subalit medyo malaking apoy na ang tumambad sa kanila dahil mabilis umano itong kumalat sa compound.
Dagdag pa nito, dumating din ang Department of Social Welfare and Development sa lugar upang tingnan kung may mga residenteng mangangailangan ng tulong.