Kasabay ng nagpapatuloy na pag-alinlangan ng maraming Lebanon-based OFW na umuwi dito sa Pilipinas dahil sa posibleng kawalan ng naghihintay na trabaho, nangako ang pamahalaan na may nakalaang mga tulong sa mga ito, sa sandaling piliin nilang bumalik dito sa Pilipinas.
Ito ay kasabay ng pagtutulungan ng Department of Migrant Workers(DMW), Technical Education and Skills Development Authority, Department of Labor and Employment, Department of Tourism, Department of Social Welfare and Development, at Department of Agriculture para makapagbigay ng tulong sa mga overseas Pinoy worker.
Ang mga naturang ahensiya ay naghahanda na umano ng tulong at oportunidad na iaalok sa mga uuwing Pilipino mula sa Lebanon.
Kinabibilangan ito ng pinansyal na tulong, livelihood o hanapbuhay, pagsasanay sa entrepreneurship, at iba pang tulong.
Una nang sinabi ng DMW na tinaasan nito ang dating P50,000 na financial assistance rate para sa mga oversease Filipinos at ginawa itong P75,000.
Kabuuang P75,000 ang mangagaling sa DMW at P750,000 din ang ibibigay ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa kabuuang P150,000 na tulong pinansyal.