-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpositibo sa random drug testing ang pitong job hires sa Iloilo City Hall.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na ‘automatic removal’ ang sanction sa job hires at required din ang mga ito na mag-report sa Philippine National Police.

Ipinatupad ang random drug test sa Iloilo City Hall kasunod ng mga drug bust operations sa lungsod kung saan involved ang iilang job hires.

Ayon pa sa alkalde, may “surprise drug test” rin sa mga regular employees ng City Hall.

Nakahanda rin ang drug test kits para umano sa mga pulis na nais sumailalim sa drug test.