KORONADAL CITY – Kasalukuyang naka-quarantine ang alkalde ng bayan ng Tupi, South Cotabato matapos makumpirmang pito sa mga staff ng mayor’s office ay nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Tupi Mayor Romeo Tamayo, sa kaniyang tanggapan nanggaling ang naturang virus ngunit pinawi ang pangambang nadapuan ito dahil negatibo aniya siya sa naturang sakit.
Sinasabing nakuha umano ng kaniyang staff ang virus mula sa mga humihingi ng tulong, travel pass at iba pa.
Kaugnay nito, kaagad isinailalim sa enhanced community quarantine ang Brgy. Poblacion dahil sa 18 nagpositibong mga indibidwal kung saan magtatagal ito simula sa Oktubre 23 hanggang 27, 2020.
Kasalukuyan na ngayong kino-contact trace ang mga taong posibleng nakasalamuha ng ilan sa kaniyang staff.