Nakahanda na at patuloy na nakikipagugnayan ang pamunuan ng Paranque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa iba’t ibang mga transport agencies gaya ng Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO) at maging sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa mobilisasyon ng mga ahensya sa inaasahang dagsa ng mga pasahero para sa Holy Week exodus.
Ayon sa PITX, inaasahan ang higit kumulang 2.5 milyong pasahero bilang kabuuang biang na mapagsisilbihan ng kanilang pamunuan simula Abril 9 hanggang Abril 23, 2025.
Pagtitiyak ng pamunuan na katuwang nila ang mga ahensya para magpatupad ng mga komprehensibong mga hakbang para matiyak ang seguridad, kaligtasan at pagiging convenient ng kanilang terminal at maging ng mga lansangan para sa kanilang mga mnanakay.
Kasunod nito ay inaasahan namang magiging steady ang bilang ng mga pasaherong dadagsa sa mga araw ng Maundy Thursday at Good Friday na siyang kawaraniwang itinuturing na ‘busiest travel days’ ng mga commuters.
Samantala, ang LTFRB naman bilang bahagi ng mobilisasyon ng mga ahensya ay magdadagdag ng mga public utility buses para sa inaasahang demand ng bus sa linggo na ito.
Ang MMDA naman ay magpapatupad ng traffic management strategies sa paligid ng mga terminals para maiwasan ang traffic congestion at maayos na hanay ng mga pasaherong papasok at lalabas ng mga terminals.
Sa kabilang banda ang LTO naman ang magpapatupad ng mga random inspections sa loob ng terminal lalo na sa mga bus at drivers para sa implementasyon ng road safety at matiyak na maayos ang lagay ng mga bus at nasa maayos na estado ang mga drivers nito.
Sa lahat ng ito ang DOTr ang magiging overseeing body ng mga implementasyon ng mga trabahong ito ng mga transport agencies katuwang ang Philippine National Police (PNP) para sa pagpapatupad ng seguridad at kaligtasan ng mga pasahero.
Sa kasalukuyan ay naghihigpit na ang seguridad sa terminal at unti-unti nang pinapaigting ang pagpapatupad ng seguridad para sa mga susunod na araw.