Inaasahan ngayon ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang dagsa ng higit sa 2.3 milyong mga pasahero para sa mga magsisiuwiang kababayan ngayong Holy Week.
Ayon kay PITX Spokesperson Jason Salvador, tiniyak niya na nakahanda ang kanilang pamunuan para sa dami ng tao sa mga susunod na araw na inaasahang maguumpisa sa Abril 9 na siyang selebrasyon ng Araw ng Kagitingan.
Aniya, ang naturang bilang ay ang inaasahang kabuuan ng mga pasahero simula sa Miyerkules hanggang sa pagbabalik ng mga mananakay pagkatapos ng Holy Week.
Ani Salvador na sa mismong mg araw ng Holy Wedensesday at Maundy Thursday ang inaasahan na peak ng mga pasahero dahil karamihan aniya sa mga manggagawang pilipino ay mga hindi makapag-leave.
Nauna na dito ay nakipagpulong na sa mga operators at iba pang ahensya ang pamunuan ng PITX para matiyak na mayroong sapat na mga bus at maginhawang makakabiyahe ang mga pasahero sa linggo na ito.
Samantala, siniguro din ni Salvador na nakamonitor din ang kanilang tanggapan sa mga bus drivers para matiyak na nasa maayos na kondisyon ang mga ito sa pmmagitan ng mandatory drug tests sa mga ito.