Inaasahan ng Paranaque Integrated Terminal Exchange(PITx) na aabot sa tatlong milyong katao ang dadaan sa naturang terminal sa kabuuan ng Christmas rush.
Ayon kay Jason Salvador, ang head ng Corporate Affairs and Government Ralations ng PITX, ito ay inaasahang magsisimula mula Dec. 20 at magtatagal hanggang sa Enero-6.
Sa naturang period, inaasahang tuloy-tuloy ang biyahe ng mga pasahero mula Metro Manila papunta sa mga probinsya at vice versa.
Una naman nang tiniyak aniya ng mga bus companies na naseserbisyo sa PITx na may sapat na bus units na magagamit sa kabuuan ng Christmas rush.
Ayon kay Corpuz, tinaya na rin ng mga kumpaniya ang bilang ng kanilang mga seserbisyuhang pasahero sa kasagsagan ng holiday.
Samantala, una na ring nagkaroon ng inisyal na pagpupulong ang PITX, bus companies, at mga kinatawan ng government agencies tulad ng Department of Transportation, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, atbpa, upang planuhin ang pagbabantay sa kasagsagan ng Christmas rush.
Aniya, muling isasagawa ang mga biglaang inspection, drug testing, at at security check ang mga ito, bagay na welcome sa pamunuan ng PITX.