Tiniyak ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na ligtas pa rin ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa kabila ng pagbuhos ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na dumadaan sa terminal.
Sa pahayag ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, negatibo na sa coronavirus ang lahat ng OFWs na gumagamit ng transport terminal.
Dagdag pa ni Cacdac, ang naturang OFWs ay nakakumpleto na ng kanilang quarantine period at sumailalim na sa reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) tests.
“‘Yung mga OFW natin are PCR negative, tested at swab-tested ‘yang 55,000 na nakauwi sa kani-kanilang lalawigan,” wika ni Cacdac.
Ani Cacdac, ang mga bus para sa OFWs ay nasa higher floor ng PITX samantalang ang para sa local passengers ay nasa ground floor.