-- Advertisements --

Maagang nagpaalala ang pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa mga biyahero na uuwi sa kanilang probinsiya para sa obserbasyon ng Undas.

Ayon sa PITX na inaasahan nila ang trapiko sa kanilang terminal kung san aabot ng 2.4 milyon na pasahero ang magtutungo doon mula Oktubre 21 hanggang Nobyembre 5.

Ang inaasahang dags ng mga pasahero ay sa darating na Oktubre 30 hanggang 31.

Payo nila sa mga pasahero na agahan na lamang magtungo sa mga terminal para maiwasan ang anumang aberya.

Mayroon na rin silang koordinasyon sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno para maging maganda ang pagbiyahe ng mga pasahero.