-- Advertisements --

Naglabas na ng mga paalala ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) para sa mga pasaherong nag babalak na umuwi sa nalalapit na Undas.

Ayon sa pamunuan ng PITX, kailangan aniyang maghanda para maiwasan ang anumang mga hindi inaasahang pangyayari.

Inaasahan naman ng PITX na aabot sa mahigit 2.4 milyong tao ang darating sa terminal mula Oktubre 21 hanggang Nobyembre 5.

Nakikipag-ugnayan na rin ang PITX sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang matiyak ang maayos at ligtas na paglipat ng mga pasahero patungo sa kanilang mga probinsya para sa pagdiriwang ng All Saints’ Day.

Nangako naman ang PITX na palalakasin nila ang ang seguridad sa terminal.

Mahigpit din susuriin ang mga bus para sa kaligtasan at seguridad.

Siniguro din nito na magdadagdag ng mga biyahe patungo sa mga probinsya upang matugunan ang inaasahang pagdagsa ng mga pasahero. // John Flores