Nakapagtala ang pamunuan ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ng halos kalahating milyong pasahero sa loob lamang ng dalawang araw na pagluwas ng mga psaahero sa kan-kanilang mga probinsiya.
Noong Biyernes ay pumalo sa 203,511 na mga pasahero ang mga dumating at nagsiuwian sa kani-kanilang mga probibsiya para sa darating na pasko.
Kahapon naman ay pumalo sa hindi bababa 218,172 naman ang napagsilbihang mga pasahero ng PITX bunsod pa rin ng mga umuuwi para sa holiday season.
Maliban dito ay simula Disyembre 16 hanggang 20 ay nakapagtala rin ng kabuuang bilang na 166 ang mga nakumpiskang gamit mula sa mga pasahero sa naging inspeksyon ng mga otoridad sa mga bagahe nito.
Nakumpiska ang ilang matatalim na bagay kung saan 15 dito ay gunting, 35 cutter blade, walong itak at 14 na kutsilyo.
Hindi rin pinayagan ang mga flammable items kung saan 26 sa mga ito ay butane gas, tatlo ang gasolito at 65 naman ang lighter.
Matatandaan naman na makailang ulit nagpaalala ang pamunuan ng PITX na iwasan na ang pagdadala ng mga ganitong klase ng kagamitan para hindi na makadagdag pa sa hassle ng mga bumabyahe ngayong holidays.
Inaasahan naman ng PITX na bahagyang bababa ang bilang ng mga pasahero pagdating ng Lunes.
Habang mananatili namang fully booked hanggang Disyembre 24 ang mga trips pauwi ng Bicol Region.