-- Advertisements --

Nakapagtala ng kabuuang bilang ng 639 na mga confiscated items ang pamunuan ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) simula December 20 na siyang umpisa ng pagdagsa ng mga pasahero para magsiuwian ng kani-kanilang mga probinsiya.

Ayon sa datos ng PITX, sa 639 na mga nakumpiska, 88 dito ay mga gunting, 93 ang cutter blade, 15 ang itak at 110 naman ang kutsilyo para sa mga ipinagbabawal na matatalim na mga bagay.

Nakakuha din ang mga otoridad ng 226 na lighter, 76 na butane gas, pitong LPG tank, 23 na mga paputok at isang five fingers.

Samantala, pumalo na sa 2 milyong mga pasahero ang napagsilbihan ng PITX simula December 20.

Sa kabila naman ng nagpapatuloy na sama ng panahon, wala namang inanunsyong mga kanseladong mga trips.

Inaasahan naman ng pamunuan ng PITX na makakapagsilbi sila ng humigit kumulang tatlong milyong mga pasahero hanggang Enero 6 sa susunod na taon.