-- Advertisements --

Sumampa na sa mahigit 170,000 na bilang ng pasahero ang naitatala ng Parañaque Integrated Terminal Exchange kada araw sa kasagsagan ng Christmas exodus.

Ayon kay PITX senior corporate affairs officer Kolyn Calbasa, nalagpasan ng bilang na ito ang kanilang target na 150,000 na pasahero per day.

Aniya , sa mga susunod na araw ay aasahan pa ang pagbuhos ng mga pasahero sa kanilang terminal na uuwi sa kani-kanilang mga probinsya.

Pasado alas 7am kanina ay nakapagtala ang PITX ng nasa mahigit 14k na mga pasahero sa naturang terminal at inaasahan pa itong madadagdagan.

Batay sa pagtataya ng pamunuan, posibleng umabot sa 180,000 hanggang 200,000 na mga pasahero ang dadagsa sa PITX hanggang sa Lunes sa susunod na linggo.

Pinayuhan rin nito ang mga pasahero lalo na yuong uuwi sa Bicol Region na magkakaroon lamang ng kaunting delay sa byahe dahil na rin sa hindi madaanang kalsada doon.