Nakapagtala ng mga panibagong bilang ng mga nakumpiskang ipinagbabawal na gamit ang pamunuan ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa kanilang patuloy na pagsasagawa ng inspeksyon sa mga bagahe ng mga pasahero sa terminal.
Ngayong araw ay nakapagtala ng 81 na confiscated items ang PITX. Ilan dito ay mga matatalim na bagay gaya ng gunting kung saan 16 ang nakumpiska sa mga pasahero, cutter blade na 13 naman ang nakumpiska, kutsilyo at itak na 18 naman ang nakuha.
Nakakumpiska din ang mga personnel sa terminal ng mga flammable items gaya ng lighter at butane gas.
Sa ngayon pumalo na sa 645,694 na mga pasahero ang naaccomodate ng terminal simula December 20 hanggang 22.
Ayon kay PITX Head of Corporate Affairs and Government Relations Jayson Salvador, inaasahan naman na bahagyang bababa ang bilang ng mga pasahero sa terminal ngayong Lunes hanggang December 25 habang tataas namang muli ito bago pumasok ang 2025 hanggang unang linggo ng Enero.
Tatlong milyon naman ang kabuuang bilang na tansya ng PITX na mapagsisilbihan nilang mga pasahero ngayong taon.