-- Advertisements --
Davao City – Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa nangyaring sunog sa isang pizza house na nasa upper ground floor ng Gaisano mall sa J.P Laurel Avenue Bajada, nitong Lungsod.
Ayon kay SFO1 Tereso Oyzon, imbestigador ng Bangoy Fire Station na nagmula ang apoy sa exhaust ng nasabing establisemento na kaagad kumalat sa kisame.
Dagdag pa ni Oyzon na patuloy nila nagyong inimbestigahan kung nilinasan ba ang exhaust sa nasabing pizza haus at kung ilan ang danyos sa naturang sunog.
Napag-alaman na walang nasawi o kaya’y nasugatan sa pangyayari.
Una nang lumiyab ang sunog alas-4:50 p.m. at idineklarang fire-out alas 5:55 p.m.