-- Advertisements --

Mas ninanais umanong maging bahagi na lamang ng unrestricted free agency ang isa sa main player ng Miami Heat na si PJ Tucker.

Ayon sa report ni Shams Charania ng The Athletic, ang 37-anyos na veteran forward ay hindi na raw itutuloy ang natitirang $7.4 million sa kanyang kontrata.

Kung maalala kabilang si Tucker na dati na ring naging parte ng pagkampeon noon ng Milwaukee noong 2021, ay naging mahalaga rin ang papel sa kampanya ng Miami na umabot sa 2022 Eastern Conference finals.

Hinuhulaan na pag-aagawan din si Tucker ng ilang mga team dahil sa magandang performance nito lalo na ang matinding diskarte sa pagdepensa.

Ang 6-foot-5 veteran ay nag-average ng 7.6 points at 5.5 rebounds, at shooting na 41.5% sa three-point area.