-- Advertisements --

NAGA CITY- Dahil sa pandemya na Coronavirus disease marami umanong pagsubok ang kinaharap ang Philippine Karatedo League (PKL)-Naga bago ang nangyareng Karaté IDOL 3 Philippine Open International Virtual Kumite Tournament.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga sa PKL- Naga, sinabi nito na dahil sa pandemic hinde na nagkaroon ng face to face training ang groupo ngunit idinaan nalamang umano ito sa online training and competition.

Ngunit dahil sa online training nalamang kailangan rin umano ng gabay ng magulang upang mas makuha at maipaliwag sa mga bata ang tamang tratehiya na kanilang tinuturo.

Una ng napabalita ang pagkakasungkit ng isang gold medal at dalawang silver medal ng Philippine Karatedo League (PKL)-Naga sa nasabing kompetisyon.