BUTUAN CITY – Maliwanag na makikita mamayang gabii sa kalawakan ang planetang Venus dahil sa paghilira o conjunction nito sa ating buwan o Moon.
Ayon kay Glaiza Zambrano ng Philippine Atmospheric, Geophysical, Astronomical Services Administration o PAGASA-Butuan, maliban sa pagghilira ng buwan at Venus, inihayag nitong makikita rin sa kalawakan ang conjunction ng mga planetang Venus, Saturn at Jupiter.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Zambrano na kahit gabi-gabing makikita ang planetang Venus ngunit ngayong gabi ay masasaksihan ang pinakamaliwanag nitong imahe sa magnitude -4.7.
Habang sa Disyembre a-8 naan o bukas ay makikita din ang paghilira o conjunction ng buwan at mga planetang Saturn, at Venus.
Sa Disyembre a-9 naman ang conjunction ng Moon at mga planetang Jupiter, Saturn at Venus na makikita kung walang kaulapan.
Dagdag pa ni Zambrano, ang nasabing mga conjunctions ay walang epekto sa lagay ng panahon dahil magbibigay lamang ito ng magandang tanawin sa kalawakan at magbibigay din ng historical event ngayong taon.