-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nagpahayag nang pangamba ang Fiber Industry Development Authority (FIDA) Catanduanes sa plano ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na polymer na ang gagamitin sa paggawa ng perang papel imbes na abaca.

Ito’y matapos na ihayag ng ilang eksperto na mas madaling kapitan ng virus ang perang gawa sa abaca fiber kesa sa polymer na parang plastic.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay FIDA Catanduanes Officer Bert Lusuegro, sinabi nito na ngayon pa lang tinatayang nasa 20% na ng kita ng mga abaca farmers sa lalawigan ang mawawala sakaling matuloy ang plano ng BSP.

Hiling nito na pag-aralan munang mabuti ang hakbang lalo pa’t mas mura pa rin ang bentahan ng abaca fiber kumpara sa polymer.

Nabatid na nauna ng nagpahayag ng pagkontra si Catanduanes Governor Joseph Cua at Cong. Sanchez Hector sa naturang plano ng BSP na magpapahirap umano sa mga magsasaka.