-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Suportado ng sektor ng mga negosyante ang isasagawang census ng city government ng Kidapawan sa mga nabakunahan at hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

Layon ng census na malaman ang bilang ng mga nabakunahan at hindi pa nababakunahan kontra COVID-19 sa lungsod.

Ayon kay City Mayor Joseph Evangelista nNapagkasunduan ng mga nagmamay-ari ng mga negosyo na suportahan ang hakbang ni Mayor Evangelista na magpatupad ng census sa mga tindahan at mga papasok sa establisyemento sa kanilang pagpupulong.

Target ng city government na mabakunahan ang abot sa 70% ng populasyon ng Kidapawan City bago matapos ang 2021 para makamit ang herd immunity at makatanggap na rin ng booster shots mula sa national government bilang dagdag- proteksyon laban sa sakit.

Ipatutupad naman ang census sa pamamagitan ng mga security guards o compliance officer para sa lahat ng papasok sa mga tindahan, palengke, simbahan at maging sa mga border ng lungsod kung sila ba ay nabakunahan na o hindi pa.

Sa pamamagitan ng census ay mas tiyak ang proteksyon ang mga mamamayan laban sa COVID.

Nilinaw naman ni Mayor Evangelista na hindi pa ipatutupad ang “no vaccine no entry” sa lungsod.

Manggagaling pa rin sa National Inter-Agency Task Force on Covid-19 ang pagpapatupad nito.