Umani ng samu’t saring reaksyon mula sa mga magulang ng bata ang plano ng DepEd na pagpapatupad ng K+10 curriculum sa susunod na taon.
Anila, masyado nang magulo ang sistema ng edukasyon sa bansa, sana naman raw ay magkaroon ng pulidong plano ukol dito.
Sakali man na ibabalik sa dati, ay maganda raw ito dahil bawas sa gastosin.
Para kasi sa kanila, dagdag lamang sa taon ng paghihirap at gastos ang Senior High School.
Kung maaalala, inihain sa mababang kapulungan ang panukalang batas na naglalayong palitan ang Kto12 ng K+10 curriculum at nag iipon na ng feedback ang Department of Education mula sa publiko kaugnay ng draft nitong inihahaing bagong curriculum.
Samantala, para naman kay Anthony Novelio, isang ama, dapat ay ibalik nalang raw sa dati.
Bawas na raw ito sa pahirap sa mga kabataan.
Sa ngayon ay sinusuri na ang curriculum ng Senior High School at maaaring sundan na ito ng review, revision at paglalabas ng draft curriculum.