ILOILO CITY – Inalmahan ng Alliance of Concerned Teachers ang plano ng Department of Education (DepEd) na magpatupad ng national learning camp upang masolusyunan ang mga kakulangan dulot ng Coronavirus disease 2019 pandemic.
Sa inilabas na memorandum ng ahensya, nakalagay na ang learning camp ay tututok sa enrichment at intervention activities para sa Grades 7 at 8 learners, remediation activities para sa K to 12 learners kung saan may ilalaan rin na Program Support Fund sa mga regional offices.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay ACT chairman Vladimer Quetua, sinabi nito na ang nasabing plano ay dagdag lang na trabaho sa mga guro.
Ayon kay Quetua, ang learning camps ay hindi solusyon upang makarekober sa pag-aaral ang mga kabatan.
Idiniin rin nito na hindi nga machines o makina ang mga guro.
Anya, kahit na hindi mandatory ang programa, ngunit mapagkakaitan ang mga guro nga panahon na makapagpahinga matapos ang higit 10 buwan na sunod sunod na trabaho na walang sick leave at vacation leave benefits, hindi pa kasama rito ang pinaikling school break.
Dagdag pa nito, ang nasabing programa ay posibleng maging dahilan rin na burned-out ang mga guro.