Pansamantalang solusyon lamang ang plano ng Department of Transporation (DOTr) hinggil sa paglalaan ng hiwalay na motorcycle lanes sa EDSA at hindi nito lubos na masosolusyunan ang lumalalang trapiko sa National Capital Region (NCR).
Ito ang paniniwala ni Senadora Nancy Binay kung saan ang dapat na isaalang-alang ng DOTr ay ang pagbibigay solusyon sa mass transport.
Ayon kay Binay, ang dahilan ng pagdami ng gumagamit ng motorsiklo sa bansa ay dahil bigo ang ating public infrastructure na matugunan ang pangangailan para sa sapat na masasakyan ng mga commuters.
Ang problema aniya, puro short-term palagi ang ipinatutupad na solusyon ng gobyerno.
Giit pa ng senadora, hindi dapat hayaan ng pamahalaan na manatili sa mga polisiya na maglilihis sa mga solusyon sa mass transport.
Samantala, dapat aniyang pagtuunan ng ahensya ang pagsusulong nang mahusay, ligtas, at komportableng mass transportation sa mga commuters sa pamamagitan ng pagtatayo ngbuilding robust mass transportation networks, at pag-iinvest para sa mahusay na public transit systems tulad ng bus, bus rapid transport system at trains.
Sa ngayon ay kulang pa rin aniya ang mga tumatakbong bagon at siksikan pa rin sa bus at tren kaya bakit hindi ito ang pagtuunan ng pansin ng DOTr.