-- Advertisements --
isda palengke

Inalmahan ng grupo ng mga mangingisda ang plano ng pamahalaan na mag-angkat ng 35,000 metrikong tonelada ng isda para sa mga palengke dahil nakakapinsala aniya ito sa kabuhayan ng mga mangingisda.

Ayon kay Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) vice chairperson Ronnel Arambulo, sa halip na mah-angkat ng iba’t ibang uri ng frozen fish dapat na magbigay aniya ng fuel subsidies ang pamahalaan at post-harvest facilities para sa mga mangingisda sa gitna ng nakaambang closed fishing season sa bawat huling quarter ng taon.

Inihalimbawa pa nito ang sitwasyon sa Palawan kung saan ang farmgate price ng galunggong ay bumagsak mula sa P80 hanggang P100 kada kilo sa P50 hanggang P60 na lamang kada kilo dahil sa pagbuhos ng mura subalit hindi na sariwang inangkat na isda.

Hindi din aniya ito makatarungan dahil mayroong pansamantalang ban sa paghuli ng galunggong, mayroon ding imported nito at iba pang mga isda.

Iginiit pa ng grupo na dapat manguna ang pamahalaan sa paghimok ng suporta para sa lokal na mga isda ng bansa sa halip na mag-angkat ng mga isda.

Matatandaan na una ng inaprubahan ng Department of Agriculture (DA) anmg pag-aangkat ng frozen fish kabilang ang galunggong, bigeye scad, mackerel, bonito, at moonfish para sa wet markets mula Oct. 1 hanggang Dec. 31 ng kasalukuyang taon.