
Suportado ng dalawang Senador ang plano ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibalik ang mandatoryong pagsusuot ng face mask sa gitna ng paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Iginiit ni Senator Manuel “Lito” Lapid na dapat natuto na ang pamahalaan at publiko mula sa naging karanasan sa kasagsagan ng pananalasa ng global COVID-19 pandemic.
Huwag na dapat pang antayin na maulit na mangyari ang pinakamalalang yugto dulot ng pandemiya.
Kayat hinimok ng mambabatas ang publiko na sumunod pa rin sa health protocol ng gobyerno para labanan ang muling pagkalat ng COVID-19.
Sa panig naman ni Sen. Francis Tolentino, bukas din ito sa plano ng Pangulo at inihayag na ang pinakabagong Covid variant na XBB.1.16 o Arcturus ay isang panibagong seryosong concern sa ating bansa.
Ayon pa sa Senador ang bagong variant ay sanhi ng mga allergens, bacteria o virus na may sintomas na conjunctivitis o sore eyes at kadalasang tinutukoy bilang “pink eye.”
Kayat nagbabala ang Senador sa publiko na mag-ingat kapag nagpupunta sa outing o swimming na maaaring makakuha ng naturang sintomas gaya na lamang ng sore eyes.