-- Advertisements --

Agad naman na kinontra ni Minnesota state Rep. Liegh Finke na siyang kauna-unahang transgender member ng lehislatura ang planong pagpirma ni US President Donald Trump ng executive order na nagbabawal sa mga transgender service member sa military.

Sinabi ni Finkena ang nasabing hakbang ay nagtutulak palayo sa tao at isang uri ng diskriminasyon sa kanilang panig.

Nasa 15,000 na mga miyembro ng US military ang umamin na sila ay transgenders.

Magugunitang pagkaupo lamang ni Trump sa puwesto ay nanindigan ito na kaniyang ibabasura ang executive order ng kaniyang pinalitan na si US President Joe Biden na maaaring magsilbi sa military ang mga transgender.