Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na hindi makakaparalisa sa public transportation ang planong 2 araw na tigil pasada ng grupong Piston at manibela sa Lunes, Abril 15.
Ayon kay Transportation USec. for Roads Sector Andy Ortega, hindi maapektuhan ang public transport sa Metro Manila maging sa karamihan sa mga lugar sa buong bansa.
Pinagbasehan ng opisyal ay ang nakalipas na ikinasang tigil pasada ng parehong grupo na nabigong maparalisa ang public transport noong nakalipas na taon bilang protesta pa rin sa PUV consolidation ng pamahaalaan.
Ayon kay USec. Ortega ang mga nagpaplanong magsagawa ng rally ay maliit na porsyento lamang na nasa 5% ng kabuuang transport sector.
Samantala, sinabi din ni USec. ortega na halos 78% na ng PUV operators sa bnasa ang nakapag-consolidate sa ilalim ng PUV Modernization program ilang linggo na lamang bago ang huling deadline sa Abril 30.
Binigyang diin naman ng opisyal na hindi pa mangyayari sa lalong madaling panahon ang modernisasyon sa PUVs dahil ang actual replacement o pagpapalit umano sa lumang units sa modernong unit ay saklaw ng 27-month program.